Selasa, 03 April 2012

Amalia Fuentes and Annabelle Rama War Reaches the Hottest Level (Read Twitter Transcript Here)

Amalia Fuentes and Annabelle Rama War Reaches the Hottest Level (Read Twitter Transcript Here)


Kasing-init ng panahon kahapon ang bakbakan sa twitter nina Annabelle Rama at Amalia Fuentes kahit Martes Santo.

Base sa mga tweet nila, dumaan si Annabelle sa wake ng ex husband ni Amalia na si Joey Stevens. Hindi raw siya welcome sa wake sabi naman ni Amalia.

Narito ang balitaktakan nila sa Twitter kahapon.

Si Amalia ang naunang nag-tweet. Oh yes, may twitter account din siya like Annabelle.

How dare you come to the wake of my husband this morning when you know you’re not welcome. You come wearing a red blouse, red bag, red pants & red lipstick??? Ang kapal ng mukha mo. Pagkatapos kitang pinapalayas habang nagmimisa ‘di ka pa rin nahiya at ‘di ka rin lumabas ng misa.

Wala na atang kasing bastos mo. Hindi ka nakiramay, pumunta ka dun para mambastos at puntiryahin ako. Talaga bang wala ka ng hiya?? Talaga ba ganyan ka kasamang tao? Pati patay di mo na nirespeto? Sobra ka na!!! Hindi kita uu­rungan! Di ka na pumipili ng lugar! Bastos ka!!!

This is the last straw. Buong mundo inaaway mo. May tamang lugar at oras para diyan. Bastos! Bakit ka hinahayaan ng asawa mo? Eddie wake up!!!

Eddie, control her!!! Be a man for once in your life!!!!!!

Napakawalang hiya mo. You know Joey hates you dahil sinisiraan mo siya nuong campaign ni Ronnie Poe dahil naiinggit ka na naman for Eddie!!

Anong ginagawa mo sa wake ng asawa ko? Mukha kang pang burikak na naka all red! The whole family is mad at you. Maawa ka sa mga anak mo.

Habang umiiyak ang mga anak ko sa misa nanggugulo ka. Wala ka bang Diyos? My hybernation will end soon. I will come out on TV after Holy Week,” mahabang tweet ni Amalia.

Pero hindi ‘yun pinalampas ng nanay nina Ruffa, Ri­chard, Raymond. Bumuwelta siya sa twitter din. Active twitter user si Annabelle.

Nagpunta ako sa burol ‘di para sa ‘yo at ‘di para manggulo. Nagpunta ako dahil kaibigan namin ni Eddie si Joey.

Ang suot ko ORANGE top and BLACK pants. Wala akong balak pumunta kaya ganun ang suot ko, may meeting ako sa Starbucks Forbes.

Wala pa ‘yung kausap ko kaya nagpunta muna ako sa church to light candles.

Suddenly may lumapit sa akin ang sabi may mass sa likod, sa burol ni Mr. Stevens.

Nakita mo ako at ang sabi mo “bakit ka naka-red”, ang sagot ko “wala akong balak dumaan, may meeting ako sa Starbucks”.

Then sabi mo, “Ano yung mga sinabi mo sa twitter? I answered u, puwede ba respetuhin mo ‘yung patay at ‘yung mass, mamaya na tayo mag-usap.”

Ang pinaka-worst minura mo ako during the mass! Sabi mo sakin, “PI mo, ‘di ako natatakot sa ‘yo, humanda ka sa akin pagkatapos ng burol,” pagkukuwento ni Annabelle sa kanyang account na kaaway din sa kasalukuyan ang ex ng asawa niyang si Gloria Diaz na pinagbibintangan ni Annabelle na tumawag kay Amalia sa telepono nang magkita sila sa isang restaurant sa Taguig City.

Nakiusap sa akin si Jeric kaya ako umalis. Di ko naman akalain na pupunta ka sa patay pakatapos mong murahin at isumpa siya ng 20 times na mamatay na.

At ‘yun last mong interview sa two weeks ago, basahin mo! Sinusumpa mo rin siya! Ikaw ang makapal ang mukha! Kaya mo pang sabihing ASAWA mo? Hoy tanga! ‘Di mo ako pinalayas kasi kung ganun ang nangyari ‘di ako aalis dahil ‘di ikaw ang sadya ko!

Wag mong lokohin ang twitter world sa mga kasinunga­lingan mo!

At tigilan mo na kakamention na “asawa” mo ‘yung namatay dahil ‘di ka naman kasal sa kanya! Kadiri ka! Bruha ka!,” dagdag na tweet ng asawa ni Eddie Gutierrez.

Ako burikak? Ikaw, sino ka ba? Humarap ka nga sa salamin, itanong mo sa sarili mo kung sino ka! Wag ka magmalinis! Sabi mo nagbebenta ako ng flesh? Bakit ikaw hindi ba?

Bakit pareho lang naman ang trabaho natin ah, ginamit natin ang ating ganda ‘di ba?

Mas wise ka lang dahil nakakuha ka ng 18 houses sa lahat ng prime subdivisions. Nainggit ba ako? Hindi. Buhay mo yan! Sabi mo kawawa mga anak ko? Bakit kawawa? Mas kawawa ang nag-iisang anak mo na sinusumpa mo ring mamatay dahil hindi niya sinunod mga pangarap mo para sa kanya. Ganun ka kasamang ina, wala kang puso! Nahihilo ka sa kayamanan mo, ayaw mong i-share sa anak mo at sa mga apo mo! Isaksak mo sa baga mo ang kayamanan mo! Pwe! Humanda ako after Holy week? At sinong tinakot mo? Ako? Naka­handa ako anytime, anywhere! Lalabanan kitang bruhilda ka! Di kita uurungan! Ako bastos? Ikaw ang pinakabastos sa buong mundo!

Kaya ka iniwan ng live-in partner mo at sumama sa taga Cebu dahil mas malambing at mabait ang Bisaya! Ito ang suot ko sa burol. Duling ka ba sa kulay? Tingnan mo nga itsura ko!” sabi niya sabay post ng picture niya.

Balita namang nagtatampo si Annabelle Rama sa kanyang mga anak na sina Ruffa at Raymond Gu­tierrez dahil kinakampihan ng dalawa si Gloria Diaz.

Source: Salve Asis, Philstar.com


Tidak ada komentar:

Posting Komentar